‘All-gender toilet’ pinatitiyak sa lahat ng mga establisyemento sa QC

Quezon City – Pinatitiyak na ni QC Mayor Joy Belmonte ang pagtatayo ng ‘all-gender toilet’ sa lungsod kasunod ng kontrobersyal na kaso ng transwoman na si Gretchen Diez na pinagbawalang gumamit ng female CR ng nabanggit na mall.

Ayon kay Belmonte, malinaw na nilabag ng Farmers Plaza sa Araneta Center Cubao ang Gender Sensitivity Ordinance na umiiral sa lungsod ng Quezon.

Ani Belmonte, hindi sana nangyari ang insidente kung sapat lamang ang kaalaman ng mga empleyado at sinunod ng Farmers Mall ang Gender Fair Ordinance.


Sa ilalim aniya ng nabanggit na ordinansa, ipinagbabawal sa Quezon City ang lahat ng uri ng diskriminasyon, binibigyan ng proteksyon at paggalang ang dignidad at karapatang-pantao ng lahat, lalung-lalo na ang LGBT.

Dahil dito, inatasan na ni Belmonte ang business permit and licensing department na ipatupad ang ordinansa lalo na ang pagkakaroon ng CR para sa LGBT community.

Facebook Comments