Baggao, Cagayan- Matagumpay na idinaos ang isinagawang “All in One Bayanihan” ng hanay ng AFP sa bayan ng Baggao, Cagayan kung saan nakipagtulungan din ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Cooperative Development Authority, Department of Agriculture, Technical Education and Skills Development Authority at ang Department of Agrarian Reform.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Sergeant Louella Alibania ng 1st Civil Relation Group o CRS, aniya, Isa sa naging aktibidad sa naturang programa ay ang Farmers Forum kung saan itinuro sa mga magsasaka ang mga serbisyo at programa para sa mga ito at upang malaman din ng mga magsasaka ang pwede nilang mapakinabangan sa iba’t-ibang opisina ng gobyerno.
Nagkaroon din ng Special Municipal Peace and Order Council Meeting na dinaluhan naman ni Lt. General Emmanuel Salamat, ang Commander ng Northern Luzon Command o NoLCoM, Asst. Division Commander ng 5th Infantry Division Brigadier General Alden Masagca at Brigadier General Bartolome Vicente Bacaro, ang Commander ng 502nd Brigade.
Nakipag-ugnayan rin ang lahat ng mga Brgy. Captain ng Bayan ng Baggao kay Lt. General Salamat upang makipagtulungan hinggil sa mga nagaganap na sitwasyon sa bayan ng Baggao.
Bukod pa rito ay nagsagawa rin ang “All in One Bayanihan” ng Medical and Dental Civic Program, libreng gupit at Gift giving na rin na dinaluhan pa ng iba’t ibang karatig bayan.
Ayon pa kay Sgt. Alibania, marami pa umano silang target na bayan upang mabigyan din ng kanilang serbisyo at matulungan din ang mga ito.