KULANG | Mga bus sa Cubao na byaheng Southern Luzon, kinukulang dahil sa dagsa ng mga pasahero

Manila, Philippines – Kinukulang ngayon ng mga bus sa Cubao na byaheng Southern Luzon dahil sa dagsa ng mga pasahero.

Sa report, ilan sa mga pasahero ang madaling araw pang naghihintay sa terminal pero nanibago sila dahil bihira lamang ang bumibyahe.

Base pamunuan ng bus company, halos karamihan sa mga pasahero ay isang linggo narin sa terminal dahil sa kakulangan ng bus at mga prangkisa.


Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, ang pagbibigay ng mga special permit ang kanilang madaliang solusyon.

Anya, aabot lang naman ng isa hanggang dalawang araw ang pagpa-file ng special permit.

Sabi ni Lizada, sa ngayon kanyang aalamin kung ilan sa mga bus ang nagkaproblema sa prangkisa.

Facebook Comments