MANILA – Nagdeklara na ng all-out war ang Armed Forces of the Philippines laban sa New Peoples Army kasunod ng pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapang pangkapayapaan.Katwiran ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa press briefing sa Malacañang, kahit na may umiiral na ceasefire noon ay magkakasunod na pananambang ang ginawa ng NPA na siyang ikinamatay ng anim na sundalo.Dahil dito ayon kay Lorenzana, huwag nang asahan ang formal notice of termination of talks sa CPP-NPA-NDFPGiit pa ni Lorenzana, lumalabas na sinamantala lang ng NPA ang idineklarang unilateral ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte para makapag-recruit ng bagong miyembro.Sabi naman ni AFP Public Affairs Chief Col. Edgard Arevalo, nasa 3,700 katao ang puwersa ngayon ng NPA kung saan karamihan sa mga ito ay nasa North-Eastern Mindanao.Kaya naman sesentro aniya ang kanilang operasyon sa Davao region kung saan may pinakamaraming NPA Guerrilla Fronts.
All Out War, Idineklara Laban Sa New Peoples Army
Facebook Comments