Mag-Asawang Lider Ng Npa Sa Ozamis City – Naaresto

40

AGUSAN DEL SUR – Naaresto sa pamamagitan ng joint operation ng PNP at AFP ang mag-Asawang Lito Elmedolan alyas ka Ondoy, at Maria Bella Elmedolan, na umano’y kapwa high ranking npa leaders, residente ng prosperidad, Agusan Del Sur.Ang hakbang ng mga otoridad ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tugisin ang lahat ng mga miyembro ng New People’s Army.Nahuli sa pantalan ng Ozamis City ang itinuturong opisyal ng technical ordnance committee ng npa na si ka Ondoy at nagsisilbing finance committee officer naman ang kanyang asawa.Una rito, inaresto ang dalawa sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Kimal Salacop, regional trial court branch 6, 10th judicial region, prosperidad, Agusan Del Sur dahil sa kasong multiple attempted murder.Ang mga ito ay hindi pa nakapagpiyansa ng P120,000 bawat isa kaya pansamantalang nakadetine sa CIDG ng Cagayan De Oro City at nakatakda itong ibiyahe sa korte ng Agusan Del Sur.Una rito sa bahagi naman ng Davao City ay inaresto kahapon ang isa sa NDFP consultant na si Ariel Arbitrario at kasamahan nito.

Facebook Comments