All set na para sa selebrasyon ng Mindanao Week of Peace

Hanggang sa ngayon ay puspusan pa rin ang ginagawang paghahanda ng mga organizer ng “Mindanao Week of Peace” na gagawin sa November 29 hanggang December 6, 2017.
Ayon kay Most Rev. Jose Colin Bagaforo, D.D. dalawang mahalagang aktibidad ang nakalatag.
Una, ang Cotabato Province Peace Summit na gagawin ngayong 29 ng Nobyembre na isasagawa sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.
Ito ay lalahukan ng multi-sectoral groups na kinabibilangan ng LGU’s, AFP, PNP, NDF-CPP, MILF at MNLF.
Ang ikalawa ay ang Bike for Peace na gagawin naman sa November 30.
Lalahukan ito ng mga libu-libung bikers mula sa Cotabato City, Parang, PPALMA area, Tacurong-Isulan, Mlang, Kidapawan City at iba pa. Ang mga partisipante ay magkita-kita sa Notre Dame of Kabacan gym para sa prayer at Peace Rally.
Tema ng Mindanao Week of Peace ngayong taon ay naka-angkla sa: ‘Owning Mindanao’s History for Peace and Development’.
Ang nasabing kampanya na nagsusulong ng Kapayapaan ay pinangunahan ng mga Bishops at mga Ulama.
Layunin nito ayon sa Obispo na makamtan na ang matagal ng minimithing kapayapaan sa Mindanao na ninanais ng taga rehiyon at ng buong bansa para sa kaunlaran at kapayapan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments