Aklan – All system go na sa re-opening ng isla ng Boracay sa Oktubre 26 matapos ang ilang buwang pagsasara nito.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, hindi na cesspool o madumi ang Boracay dahil malinis na ang tubig nito.
Gayunman, ipinagbabawal pa rin aniya ang water activities katulad ng paraw sailing, island hopping at jet-skiing habang dahil hindi pa tapos ang pag-aaral sa marine biodiversity ng isla.
Bawal na rin ang pagdaraos ng mga party at mga istruktura sa harap ng baybayin.
Tuloy-tuloy rin ang monitoring ng gobyerno sa kalidad ng tubig sa Boracay gayundin ang pagpapalapad ng mga kalye na inaasahang matatapos bago matapos ang taon.
Facebook Comments