All Soul’s Day, Special Non-Working Holiday sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela – Deklaradong Special Non-Working Holiday ang November 2, 2017 sa Cauayan City Isabela.

Ito ang nilalaman ng Administrative Order Number 3 na ipinalabas ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino M. Dy.

Ang naturang dokumento na pinirmahan noong Oktubre 27, 2017 ay inilathala din sa official facebook account ng Lungsod ng Cauayan.


Batay sa administrative order , ang deklarasyon ng Novermber 2 bilang Special Non-Working Holiday sa Cauayan City ay bilang pagkilala sa tradisyon ng All Soul’s Day.

Dagdag pa sa Administrative Order na ang pakay nito ay upang mabigyan ng sapat na oras ang mga mamamayan na obserbahan ang tradisyong ito.

Facebook Comments