‘All-Women Mobile Force Company’ sa Bansa, Inilunsad ng PRO-2!

Cauayan City, Isabela- Inilunsad ng Police Regional Office No.2 ang kauna-unahang ‘All-Women City Mobile Force Company’ sa Cagayan Valley maging sa buong bansa.

Ayon kay Regional Director PBGen. Angelito Casimiro, ito ang kauna-unahang binuong grupo ng kababaihan sa sangay ng pulisya sa buong bansa na layong tugunan ang internal security operation dahil sa banta ng CPP-NPA.

Giit ni RD Casimiro, bagama’t ang siyudad ng Santiago ay nasa ilalim na nang ‘white area’ o wala ng presensya ng rebeldeng grupo ay minabuting mapanatili pa rin sa kabuuang 169 na PNP Personnel para sa nasabing mobile force company.


Dagdag pa ng opisyal, una nang nagkaroon ng kautusan na buwagin ang nasabing mobile company subalit isinaalang-alang din ang kapakanan ng mga personnel nito.

Samantala, plano naman ng PRO2 na palawakin pa ang istasyon ng pulisya sa lungsod at gawin itong anim (6) na kasalukuyan dalawa lamang.

Ilan sa mga dahilan kung bakit planong mapalawig ang istasyon ng pulisya ay upang mas mabilis na makatugon ang kapulisan dahil narito ang ilang malalaking bangko at kilalang estabilisyimento na posibleng samantalahin ng iba pang kriminal.

Una nang umapela ang pamunuan ng PRO2 sa balak na pagtanggal sa grupo hanggang sa napanatili ito at isang hamon din para sa grupo ng kababaihan na pamunuan ang mobile force company.

Sa ngayon ay pamumunuan ni PMaj. Abigail Jane Bautista ang City Mobile Force Company kasabay ng pagbaba sa tungkulin ni PLTCOL. Erick Gumarang na dating pinuno ng nasabing unit ng Santiago City Police Office.

Facebook Comments