Alleged abduction ng 10 katao sa North Cotabato drama lamang ayon sa Pnp

On Oct 27, 2017 1:31 PM, amergsinsuat@gmail.com wrote:

On Oct 27, 2017 1:24 PM, amergsinsuat@gmail.com wrote:
Isa lamang umanong palabas na drama ang ginawa ng isang misis sa kanyang mister ng sabihin nitong silay hinostage ng mga armado habang sila ay sakay ng pampasaherong van sa bahagi ng barangay Bago Libas sa bayan ng Aleosan sa lalawigan ng North Cotabato.
Ayon kay Nortth Cotabato Police Provincial Office Spokesperson Supt. Bernard Tayong matapos nilang matanggap ang report ay agad rumesponde ang mga otoridad sa bayan ng Aleosan kung saan umano naganap ang alleged abduction subalit ito ay negatibo at walang nakitang van sa lugar.
Ang nagsumbong sa kapulisan ay si Ronald Gallego 37 anyos habang ang misis nito ay kinilalang si Karen Mae Gallego 24 anyos. Ayon kay Supt. Tayong drama lamang ni misis ang mga isinumbong sa kanyang mister dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Nabatid na 11 buwan ng hindi umuuwi si misis sa kanilang lugar at namamasukan itong kasambahay sa Pampanga. Ang naturang pangyayari ay nagdulot ng pagkabulabog at pagkabahala sa lokal na pamahalaan ng lalawigan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments