NCRPO Chief, ininspeksyon ang Araneta bus terminal sa Cubao

Manila, Philippines – Ininspeksyon ni NCRPO chief Oscar Albayalde ang mga terminal ng bus.

Ito ay para tiyakin na maayos ang ipinatutupad ang seguridad ngayong dumadagsa na ang mga pasahero na uuwi ngayong undas.

Una niyang siniyasat ang mga help desk at ang mga nakakalat na mga QCPD personnel sa Araneta bus terminal.


Tiniyak naman ni Albayalde na walang banta ng terorismo sa kalakhang Maynila sa panahon ng paggunita ng Undas.

Facebook Comments