Allein Maliksi, ipinamigay ng Star Hotshots sa Blackwater Elite

80

Sports – Ikinagulat ngayon ng veteran player na si Allein Maliksi ang naging hakbang ng Star Hotshots na ilipat siya kasama ang rookie na si Chris Javier sa Blackwater Elite kapalit nina Bambam Gamalinda at Kyle Pascual.

Ayon kay Maliksi, hindi niya alam ang naging dahilan kung bakit siya na-trade sa Elite kung saan nakakuha siya ng apat na kampeonato sa star sa loob ng apat na season.

Magkaganoon pa man, kailangan na daw tanggapin at mag-move on sa nangyari at umaasa si maliksi na matutulungan niya ang Blackwater na makasungkit ng kampeonato.

Facebook Comments