Dalawang miyembro ng akyat bahay gang, arestado

41

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang miyembro ng akyat bahay gang matapos magnakaw ng perang donasyon sa simbahan sa barangay Tandang Sora, Quezon City.

Dalawang linggo pa lang matapos makalaya, balik kulungan ulit ang mga suspek na sina Gerald Riego at Vincent Saquing.

Hindi na nahagip ang pagpasok ng mga suspek pero sa kuha ng CCTV ng barangay makikita na naglalakad sa gilid ng Our Lady of Annunciation ang mga suspek kasama ang dalawang iba pa.

Tinangay nila ang laman ng dalawang donation box ng simbahan na aabot sa P60,000 kung saan hindi naman na ito narekober ng pulisya.
Miyembro ng sputnik at commando gang ang mga suspek na umamin rin na madalas nangho-holdup sa labas ng dalawang mall sa North EDSA.

Facebook Comments