Alliance center sa Maguindanao, pinasinayaan ng ARMM government!

Pinangunahan ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang pag turn-over ng Central Maguindanao Development Cooperation (CMDC) Alliance Center sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Ayon kay Gov. Hataman, ang P30M na alliance center ay magsisilbing opisina ng executive body ng CMDC, alyansa ng 15 munisipyo sa lalawigan ng Maguindanao na beneficiaries ng Humanitarian and Development Assistance Program (HDAP) ng ARMM.
Ang proyekto ay ipinatupad sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-ARMM.
Layunin ng HDAP ng ARMM na matugunan ang agarang pangangailangan ng mga pamilya na naapektohan ng mga nakaraang kaguluhan sa 15 bayan sa Maguindanao.
Ang naturang mga bayan ay kinabibilangan ng Datu Piang, Talitay, Datu Odin Sinsuat, Datu Anggal Midtimbang, Talayan, Guindulungan, Datu Unsay, Datu Hoffer, Datu Salibo, Shariff Saydona Mustapha, Mamasapano, Rajah Buayan, Datu Saudi Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, at Shariff Aguak.
Nagpapa-abot din ng iba’t-ibang interbensyon ang ARMM-HDAP sa usapin ng kalusugan, edukasyon, social welfare, infrastructure, livelihood, community development at peace and governance. (photo credit:bpiarmm)

Facebook Comments