Alok kay VP Robredo na maging drug czar, “kind gesture” at hindi pang-iinsulto –  Palasyo

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malakanyang na hindi pang-iinsulto ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo na maging drug czar.

Kasunod ito ng pahayag ng chief executive na maaari niyang italagang drug czar si Robredo sa loob ng anim na buwan at hindi niya ito panghihimasukan sa anumang magiging hakbang.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador panelo, maitururing na “kind gesture” ito ng Pangulo upang mabigyan ng pagkakataon ang bise-presidente na hindi na lamang basta magsalita subalit talagang mapamunuan ang anti-illegal drug campaign ng pamahalaan.


Ipinaliwanag pa ni Panelo na mahaba nang panahon ang anim na buwan upang katunayan ni Robredo na mas magiging epektibo ang kaniyang paraan sa pagsugpo ng kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

Una riyan ay ipinakita ng tagapagsalita ang text message sa bise presidente kaugnay ng alok ng Pangulo.

Facebook Comments