Bahay ng Councilor sa Pangasinan, nilooban

Nilooban ang bahay ng isang Councilor sa Bautista Pangasinan.
Kinilala ang mga suspek na si Jomari Morales at Mervin Dela Reyna na pawang residente ng Mangaldan Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng otoridad, gabi ng looban ng dalawang suspek ang bahay ni Councilor Rosemarie Gacutan.
Nagulat na lamang umano ang konsehal at ang kaniyang katulong ng makita ang dalawang suspek.
Agad namang tumakbo ang dalawang suspek ng tanungin kung papaano ito nakapasok sa loob ng bahay at agad naaresto ng otoridad.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon upang malaman ang motibo ng panloloob sa bahay ng konsehal.

Facebook Comments