Alok na bayad sa isang testigo laban kay PDu30, itinanggi ni Senator Trillanes

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Senator Antonio Trillanes IV na inalok ng kanyang kampo ang isang nagpakilalang si Guillermina Barrido Arcilla ng isang milyong piso para tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Trillanes, hindi pa niya nakakaharap at hindi rin niya alam ang background ni Arcilla na gumawa ng paraan na magkaroon ng access sa kanyang tanggapan dahil mayroon daw itong expose na may koneksyon si Pangulong Duterte sa ilegal na droga.

Sabi ni Trillanes, isinalang nila ito sa mahigpit na screening pero hindi pumasa dahil hindi magkakatugma ang kanyang mga kwento.


May ipinakita pang video si Trillanes na nagyari noong November kung saan boluntaryong isinasalaysay ni Arcilla ang tungkol sa koneksyon umano ni President Duterte sa ilegal drugs.

Sa video ay malinaw din nabinabangit ng staff ni Trillanes na wala silang perang maibibigay dito.

Ayon kay Trillanes, nabalitaan nila na may mga OFWs din itong hiningan ng pera.

Sa tingin ni Trillanes mukhang swindling o panloloko at panghihingi ng pera ang ikinakabuhay ni Arcilla.

Hindi rin inaalis ni Trillanes ang posibilidad na itinanim sa kanila ng kampo ng Pangulong Duterte ang nasabing testigo.

Para aniya kung kinagat nila ang kwento nito at ipinrisinta ay mababaligtad sila at masusunog at lalabas na hinahanapan lamang nila ng butas o ikakasira ang Pangulo.
Nation”

Facebook Comments