Pangulong Duterte, pinanindigan ang pagsibak kay Sueno

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumaan sa pag-aaral at hindi siya nagkamali sa pagsibak kay Ismael Sueno bilang Interior and local Government Secretary.

Ito ang iginiit ni Pangulong Duterte sa harap ng mga lumalabas na balita na baka mali ang mga nakuhang impormasyon ni Pangulong Duterte na naging dahilan ng pagsibak kay Sueno.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi maaaring siya ay misinformed dahil isa aniya siyang abogado at alam niya ang kanyang ginagawa.


Binigyang diin ng Pangulo na kung may lumabas na singaw ng katiwalian, ay siguradong tatanggalin sa posisyon.

Matatandaan na ang dahilan ni Pangulong Duterte sa pagsibak kay Sueno ay dahil sa lost in trust in confidence sa kanya.
Nation”

Facebook Comments