Sumampa na sa P1.8-Million ang alok na pabuya para sa sinumang makatutulong sa paglutas ng kaso ng pagpatay sa isang Grade 9 student sa Lapu, Lapu City, Cebu.
Isang Milyon dito ay manggagaling sa lokal na pamahalaan ng Lapu-Lapu habang nauna nang nagbigay ng P100,000 Advicosry Council ng Police Regional Office -7.
Nagbigay naman ng kalahating Milyon ang isang hindi nagpakilalang dayuhan na nakabase ngayon sa Leyte habang P200,000 mula sa Provincial Council for the Welfare of Children.
Samantala, sa nagpapatuloy na imbestigasyon na PNP Crime Laboratory natuklasan na bukod sa 30 saksak sa katawan, nawawala rin ang ilang bahagi ng katawan ng biktimang si Christine Lee Silawan.
Ayon kay Medico Legal Officer Dr. Benjamin Lara – lumabas sa autopsy na wala nang dila, lalamunan, esophagus at ang kanang tenga ng dalagita.
Posible umanong inalis talaga ng mga suspek ang mga bahaging ito ng kanyang katawan para matagalan ang imbestigasyon.