Alok na pabuya sa makakatanggal ng gulong sa leeg ng buwaya, walang pumatol

1333
Photo by MUHAMMAD/AFP

Iniurong na ng awtoridad sa Indonesia ang inialok nitong pabuya sa sinumang makapag-aalis ng gulong ng motorsiklo sa leeg ng isang buwaya kapalit ng pabuya.

Sinabi ng isang opisyal sa Palu, Central Sulawesi na walang kumagat sa kanilang panawagan na sagipin ang buwayang may habang 13 talampakan na pinangangambahang mamamatay sa pagkakasakal.


Matatandaang sinabi ni Hasmuni Hasmar, hepe ng Central Sulawesi Natural Resources Conservation Agency na sa sarili niyang bulsa manggagaling ang perang pabuya.

(BASAHIN: Indonesia, nag-alok ng pabuya sa makakatanggal ng gulong sa leeg ng buwaya)

Ayon sa Agence France-Presse, napabalitang muling susubukan ng sikat na TV personality na “Panji the Explorer”, bersyon ng Indonesia ng namayapang Australian “Crocodile Hunter na si Steve Irwin, ang pagsagip sa buwaya.

Bigo raw kasi si Panji na iligtas ang hayop dalawang taon na ang nakararaan.




Ngayong itinigil na paligsahan at pabuya, plano ng awtoridad na bumuo na lamang ng grupo na gagawin ang nasabing misyon.

Facebook Comments