Nilakihan ng bansang Germany ang sahod para sa mga gustong maging nurse na mag-a-apply sa kanilang bansa.
Ayon sa POEA o Philippine Overseas Employment Administration, mula sa 1,900, gagawin na itong 2,000 euros o katumbas ng 119,000 pesos ang sahod para sa matatanggap na nurse.
Kapag natanggap pa bilang regular aakyat pa hanggang 2,400 euros ang sahod o 143,000 pesos.
Hindi sakop ng pagtaas ng sahod ang mga nurse na nagtratrabaho na sa Germany o nakapirma na ng kontrata noong 2018.
Sa ngayon 400 Pilipino nurse ang kailangan ng bansang Germany para sa triple win project.
Sa mga nais mag-apply magrehistro sa website ng POEA at sa February 28 na ang deadline ng aplikasyon.
Paalala ng POEA na government to government ang proyekto kaya at huwag maniniwala sa ibang recruitment agency.
Tanging POEA lamang ang otorisadong magproseso ng nasabing job application.