Karambola ng 4 Sasakyan, Isa Patay; Isa Sugatan!

*San Mateo**,** Isabela**- *Patay agad ang isang lalaki habang sugatan ang asawa nito sa naganap na karambola ng apat na sasakyan pasado alas singko ng hapon, Enero 1, 2019 sa pambangsang lansangan ng Brgy. Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima at driver ng Honda MC na si Benjamin Senoja habang ang sugatan na sakay at sawa nito ay si Marilyn Senoja na kapwa residente ng Brgy Salinugan West, San Mateo, Isabela.

Kabilang sa karambola ang Nissan Navara na minamaneho ni Noel Galapon ng San Manuel, San Mateo, isang pampasaherong Jeep na minamaneho ni Heherson Rosario ng Alicia, Isabela at ang Trailer Truck na minamaneho ng suspek na si Rodelio Ventura, residente ng Brgy Del Pilar, Cabatuan, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), patungong hilagang direksyon ang Honda MC, Nissan Navara at Trailer Truck nang mag-overtake ito sa shoulder lane sa dalawang sinusundang sasakyan.

Nang makabalik sa linya ang Trailer Truck ay nasagi nito ang sumusunod na minamameho ng biktima.

Natumba sa daan ang sakay ng mga biktima na nabangga rin ng sumusunod na Nissan Navara at sumalpok sa paparating na pampasaherong Jeep na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Benjamin Senoja.

Isinugod naman sa pagamutan ang asawa ng nasawi habang hindi naman nasugatan ang driver ng Nissan Navara at ng Jeep.

Patuloy pa ang hot pursuit operation ng PNP San Mateo laban sa driver ng Isuzu Trailer Truck na tumakas matapos ang naturang insidente.

Facebook Comments