Tinanggap na ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na hawakan ang kasong ihahain ng gobyerno laban sa Manila Water at Maynilad.
Ayon kay Roque, malaki ang tiyansa ng gobyerno na manalo sa kaso dahil sa kawalan ng bidding at sewage treatment plants sa kabila ng mga nakolektang environment fees ng dalawang water concessionaire.
Samantala, bukod sa Department of Justice (DOJ), tutulong na rin ang Office of the Chief Presidential Legal Counsel para magsampa ng kasong economic plunder, economic sabotage at large scale estafa laban sa may-ari ng Manila Water na si Fernando Zobel De Ayala at kay Manny Pangilinan ng Maynilad.
Paliwang ni Panelo, itutuloy ng pamahalaan ang kaso kahit pumayag man o hindi ang dalawang water concessionaire sa bagong kasunduang ilalatag ng pamahalaan.