Alokasyon ng AstraZeneca vaccine sa Quezon City, itinaas na sa 1.1-M doses

Mula sa 750,000 na inisyal na alokasyon ng AstraZeneca vaccine, ginawa na ngayong 1.1 million doses ang matatanggap ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Ito’y matapos na pumirma ng tripartite agreement ang Local Government Unit (LGU) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, inaasahang darating ang dagdag na alokasyon sa AstraZeneca vaccines sa ikatlong bahagi ng 2021.


Inaasahang palalakasin nito ang vaccination program sa lungsod at aabutin ang mga priority sectors na tinukoy ng World Health Organization (WHO).

Mula sa first order na 750,000 doses, abot sa 375,000 na indibidwal mula sa priority sectors ang mababakunahan.

Sa ilalim ng additional doses, madaragdagan ng 550,000 individuals ang pwedeng mabakunahan.

Plano ng lungsod na magdagdag ng health care workers at vaccination sites.

Facebook Comments