Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na magdamag.
Sa tala ng PAGASA-Hydrometeorology Division, umakyat sa 178.08 meters ang antas ng tubig sa Angat na mas mataas kumpara sa 177.94 meters kahapon.
Pero ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr., mababa pa rin ito sa minimum operating level na 180 meters.
Dahil dito, ibababa ng NWRB sa 44 cubic meters per second ang alokasyon sa suplay ng tubig sa Metro Manila sa Oktubre mula sa dating 46 cubic meters per second.
Babawasan din ang alokasyon para sa irigasyon mula 30 cubic meters per second ay magiging 25 cubic meters per second na lang.
Facebook Comments