Alokasyon ng tubig sa Metro Manila, muling babawasan

Magbabawas muli ng alokasyon ng tubig ang National Water Resources Board (NWRB) ngayong araw.

Ito ay dahil inaasahang babagsak sa 160 meters na itinuturing na critical point ng water supply sa Angat Dam.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr. – ang ipinapasa nilang tubig sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS na idi-distribute sa water concessionaires ay mababawasan.


Mula sa 40 cubic meters per second kahapon ay magiging 36 cubic meters na lamang ngayon.

Kaya asahan na aniya ang mahabang oras na mahinang tulo hanggang sa walang suplay ng tubig sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad at Manila Water.

Umaasa naman ang NWRB na mapapagkasya ang limitadong supply mula sa reservoir hanggang may ulang tatama sa Angat watershed.

Inaasahang mapupuno ang Angat Dam sa Hulyo.

Facebook Comments