
Pinalilimitahan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang alokasyon ng confidential at intelligence funds.
Kaugnay pa rin ito sa naging isyu sa CIF ni Vice President Sara Duterte na ngayon ay mahaharap na sa paglilitis ng impeachment court sa darating na Hunyo.
Para kay Dela Rosa, dapat lang malimitahan sa mga ahensyang may kaugnayan sa national security at law enforcement ang pagbibigay alokasyon ng CIF.
Naniniwala ang senador na sa pamamagitan nito ay maaayos ang anumang isyu sa paggamit ng nasabing pondo.
Dagdag ni Dela Rosa, para hindi maabuso ay dapat tanggalin na lang ang naturang alokasyon sa ibang ahensya ng gobyerno.
Facebook Comments