ALS LEARNERS, NAKATANGGAP NG KAGAMITANG PANG-ESKWELA

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng learning materials at school supplies ang mga mag-aaral ng Alternative Learning System sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Ang pamamahagi na ito ay pinangunahan ni Municipal Mayor Venus Bautista kung saan target nito ang mga out of school youths.

Layunin ng naturang programa na tulungan ang Alternative Learning System learners o mga mag-aaral na hindi nakapasok at nakapagtapos ng pag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pangarap na edukasyon.


Facebook Comments