Alternatibong ruta para sa mga truck na biyaheng Sorsogon-Leyte, binuksan na —PPA

Inanunsiyo ng Philippine Ports Authority (PPA) na binuksan na ang ruta na nag-uugnay sa Bulan, Sorsogon at Palompon, Leyte na mapakikinabangan ng mga daraan na truck.

Ayon sa PPA, ito ay matapos dumaong sa Bulan Port ang LCT Poseidon 30 na kayang magsakay ng 27 na truck.

Layon nitong mapabilis ang daloy ng mga malalaking sasakyan sa gitna ng limitado pa ring kapasidad ng San Juanico Bridge.

Sinabi ng PPA na papayagang maglayag ang barko sa naturang ruta hanggang July 6 alinsunod sa Special Permit na inilabas ng Maritime Industry Authority – Regional Office IV.

Pinayuhan naman ng PPA ang mga interesadong may-ari at driver ng truck na direktang makipag-ugnayan sa shipping line na Concrete Solutions Inc., para sa detalye ng biyahe at bayarin.

Facebook Comments