Mga bagong miyembro ng Kamara, sasailalim sa orientation at seminar bago magbukas ang 20th Congress

Kasado na ang orientation at seminar na isasagawa bago mag bukas ang 20th Congress sa Hulyo para sa 97 na mga bagong miyembro ng Kamara kung saan ang 69 ay district representatives, habang 28 ay kinatawan mula sa party-list groups.

Ayon kay House Secretary Gen. Reginald Velasco, ang executive course on legislation ay itinakda sa June 23 hanggang 25 para sa unang batch habang ang ikalawang batch naman ay sa July 7 hanggang 9.

Binanggit ni Velasco na inimbitahan ang mga “first-time congressmen” na dumalo sa Executive Course on Legislation para mas magkaroon sila ng kaalaman ukol sa proseso at paggawa ng batas.

Sabi ni Velasco na welcome rin na lumahok sa pagsasanay ang mga magbabalik na kongresista na nagmula sa ibang posisyon tulad ng gobernador at mayor.

Facebook Comments