ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM, INILAPIT SA MGA OUT-OF-SCHOOL YOUTH SA BAUANG, LA UNION

Inilapit ng Department of Education (DepEd) – La Union Schools Division Office ang Alternative Learning System (ALS) sa mga out-of-school youth at batang mag-aaral sa isang rural na komunidad sa Bauang, La Union sa pamamagitan ng isinagawang community-based learning sessions.

Siyam na mag-aaral ang kasalukuyang lumalahok sa programa, kabilang ang anim na kindergarten pupils, dalawang Grade 1 learners, at isang Grade 2 learner.

Sa mga sesyon, isinasagawa ang pagtuturo sa pagbasa, guided learning activities, at pagbibigay ng pundasyong kasanayan sa loob ng komunidad.

Naghahanda at nag-iimprenta rin ang mga guro ng mga babasahin at activity sheets na naaayon sa edad at antas ng kakayahan ng mga mag-aaral upang masuportahan ang araw-araw na aralin.

Patuloy ring mino-monitor ang progreso ng bawat learner upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto.

Ang inisyatiba ay bahagi ng Alternative Learning System ng DepEd na naglalayong magbigay ng flexible at community-based basic education sa mga out-of-school children, kabataan, at iba pang mag-aaral na nasa panganib na huminto sa pag-aaral, bilang alternatibong daan patungo sa muling pagpasok sa pormal na edukasyon o katumbas nito.

Facebook Comments