Alternative working arrangement sa mga manggagawa, inirekomenda ng DOH sa harap ng spike sa COVID-19 cases

Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) sa mga kompanya ang pagpapatupad ng alternative working arrangement tulad ng work-from-home.

Sa harap ito ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan unang kinumpirma ng DOH na kalat na sa Metro Manila ang United Kingdom at South African variants.

Ayon kay Dr. Nikka Hao ng DOH, para naman sa mga empleyado na kinakailangan talagang mag-report physically sa trabaho, kailangan aniyang mag-provide ng shuttle service ang kompanya.


Ipinapayo rin ni Hao na ang mga empleyadong higk-risk sa COVID-19 ay dapat na isinasailalim sa routine surveillance.

Dapat din aniyang maglagay ng electric fans o exhaust fan sa mga workplace.

Sinabi rin ni Hao na mahalaga ring mag-provide ang mga kompanya ng Personal Protective Equipment at face mask sa mga empleyadong naka-duty.

Inirerekomenda rin ng DOH ang pagtatalaga ng isolation area para sa mga manggagawang makikitaan ng sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments