Hindi pabor ang Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na bigyan ng konting kaluwagan o prebilehiyo ang mga fully vaccinated individuals.
Ang reaksyon ng labor group ay kasunod ng panukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na payagan ang mga fully vaccinated individuals na makapasok sa mga malls, restaurants at iba pang establisyemento sa Metro Manila upang kahit paano ay mabuhay ang ekonomiya.
Sa interview ng RMN Manila kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, sinabi nito na maituturing na isang uri ng diskriminasyon ang naturang panukala at maaaring isa itong paglabag sa karapatang pantao.
Aniya, bagama’t naiintindihan nila ang layunin ni Concepcion sa pagsusulong nito, mas mainam pa rin aniya na mas lalo pang paigtingin ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga minimum health protocols.