ALU-TUCP, ikinalugod ang pag-classify sa COVID-19 bilang compensable disease

Ikinatuwa ng Associated Labor Unions (ALU-TUCP) ang aksyon ng Employee’s Compensation Commission (ECC) na nag-klasipika sa COVID-19 bilang work-related at compensable disease.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, napakahalagang anunsyo ito kasabay ng paggunita ng Araw ng Paggawa at sa selebrasyon ng Worker’s Memorial Day.

Ang Worker’s Memorial Day ay isang pandaigdigang pag-alaala sa mga nasawing health workers.


Malaking tulong aniya ito para sa mga manggagawang araw-araw nakikipagsapalaran laban sa banta ng Coronavirus disease makapasok lang sa trabaho upang maitaguyod ang pamilya at makatulong na maiahon ang naghihirap na pambansang ekonomiya.

Dahil dito, makakatanggap na ang mga miyembro ng ECC ng mga serbisyo at benepisyo na binibigay sa mga miyembro na nagkasakit, na-injured, na-disable o kaya naman ay namatay habang nagtatrabaho o kaya naman ay nagco-commute papunta o pauwi galing trabaho.

Ang package ng mga serbisyo at benepisyo na ito ay ang sumusunod: income loss benefit, temporary and permanent disability benefit, medical benefit, ward hospitalization benefit, rehabilitation services, carer’s allowance & P30,000 burial benefit.

Facebook Comments