Iginiit ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of The Philippines kay Pangulong Duterte na ideklarang libre sa mga ordinaryong manggagawa ang panonood ng 30th South East Asian Games.
Sa pamamagitan nito ay magbubukas ang pangulo ng oportunidad para sa paghihilom ng sugat at pagkakaisa sa panahon ng hosting ng bansa sa Biennial Sports Competition.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, hindi maipapanalo ang slogan na one nation kung ang mga tickets ay abot kaya lamang ng mga nakakaangat sa lipunan.
Aniya, maraming mga manggagawa at kanilang mga pamilya ang gustong makapanood ng mga laro at magpahayag ng kanilang suporta sa mga kababayan nating atleta, pero hindi magawang makapanood dahil sa sobra mahal ng entrance ticket.
Pero, abot sa P1,000 hanggang P12,000 ang pinakamahal na ticket habang naglalaro sa P300, P200 at P100 ang pinakamurang tickets para makapanood.
Ani Tanjusay, pagkakataon ng gobyerno na gamitin ang Sea Games bilang rallying point sa lahat ng mga Pilipino sa gitna kontrobersya sa kapalpakan sa preparasyon sa palaro.