Binabalangkas ngayon ng Associated Labor Union (ALU) Unions ang isang interim guidelines para sa workplace prevention and control ng COVID-19.
Ayon kay Gerard Seno, ALU national executive vice president, layon nito na maisama ito sa ilalabas na gabay ng Bureau of Working Conditions ng Department of Labor and Employment.
kabilang sa rekomendasyon ng grupo ay ang muling pag disinfect o pagsasagawa ng anti-virus standard safety procedures sa mga lugar kung saan nagtatrabaho, gayundin sa mga toilets , corridors, conference areas, elevators at mga hagdanan.
Dapat din aniyang magbigay ang mga kumpanya ng libreng face masks, guwantes, alcohol at sabon at iba pang Personal Protective Equipment (PPEs) sa kanilang mga mangagawa depende sa uri ng industriya na kanilang kinabibilangan.
Dapat din aniyang tiyakin na ang mga pagkain sa mga canteens ay maayos ang pagkakahanda.
Iwasan muna ang pagkain sa communal areas sa halip ay sa working area na lamang kumain.
Ayon pa kay Seno, kung nais ng gobyerno at mga negosyante na muling mapaandar ang ekonomiya at makalikha ng produkto sa konsumo ng publiko,dapat tiyakin ng mga ito kapakanan ng kanilang mga manggagawa.