Alumni Fever sa Surigao City Nagsimula na

Alumni Fever sa Surigao City Nagsimula na. Nagsimula na ang Alumni Fever sa Surigao City, Ito’y matapos isinagawa kanina ang Grand Parade ng dalawang malaking paaralan; ang Surigao Del Norte National High School at Saint Paul University Surigao. Sakay ng iba’t ibang floats at sasakyan nilibot ng mga Alumni ang malaking bahagi ng lunsod. Isa sa highlight ang Alumni Party na isasagawa ngayong gabi at kinabukasan, kasama na rin ang pagkilala sa mga Outstanding Alumni ng bawat paaralan. Maliban sa Bonok-Bonok Festival sa Sept. 9 at ang taunang fiesta sa Sept. 10, Isa sa inaantabayanan ang mga Alumni Homecoming sa elementarya at sekondarya.

Facebook Comments