Alvarez, may hamon sa mga bumabatikos sa martial law

Manila, Philippines – Pinatutsadahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga tumutuligsa sa martial law na idineklara ni Pangulong Duterte sa Mindanao.

Hamon ni Alvarez, mag-Presidente muna ang mga kumukundena sa batas militar upang ang mga tumutuligsa na ang magisip kung pano reresolbahin ang problema sa terorismo.

Kinantyawan pa ni Alvarez ang mga kritiko at sinabing pumunta muna ng Marawi bago magkomento ng magkomento.


Giit ng Speaker may basehan ang pagpapasailalim ng pangulo sa buong Mindanao sa batas militar.

Depensa pa ni Alvarez, siya mismo ay taga Mindanao kaya alam niya kung gaano kabigat ang pangangailangan para tapusin na ang rebelyon doon ng ibat ibang grupo.

Samantala, pinakakalma din ni Alvarez ang publiko na hindi dapat agad katakutan ng publiko ang pahayag ng pangulo na maaari nitong ipasailalim sa martial law ang buong bansa kung may presensiya na rin ng ISIS sa Luzon.

Giit nito,wala pang basehan para katakutan ang isang bagay na hindi pa naman nangyayari.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments