Alyas Bikoy, nakalaya na matapos makapagpyansa

Nakapagpyansa na at nakalaya na mula sa detention facility sa CIDG National Capital Region sa Camp Crame si Peter Joemel Advincula ang nagpakilalang alyas Bikoy kaugnay sa kaso nitong cyber libel.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac – kahapon nang matanggap ng CIDG NCR ang release order para kay Advincula.

Nakapagpyansa ito ng halagang 10,000 pesos dahil kasong cyber libel na inisyu ng Legazpi Regional Trial Court Branch 5.


Ang cyber libel case ay isinampa ng isang Zaldy Co ang nagmamay-ari ng Misibis Bay Resort sa Bicol.

Binabanggit kasi ni alyas Bikoy sa ‘Ang Totoong Narco-list’ video na sa Misibis Bay Resort ang nagsisilbing drug laboratory.

‘Ang Totoong Narco-list’ video ay ang video kung saan iniuugnay ang Pangulo at ang kanyang pamilya sa transaksyon ng iligal na droga.

Facebook Comments