Alyas Jacky Co at iba pang respondents sa 1.8-billion shabu shipment, pinasisipot bukas sa DOJ

 

Pinasisipot bukas sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ) si suspected Chinese drug drug lord Xu Zhijian alias ‘Jacky Co’ at iba pang sangkot sa smuggling ng PHP1.8 billion illegal drugs.

 

Inatasan din ng panel of prosecutors ang grupo ni alyas Jacky Co na magsumite ng kanilang counter-affidavits sa reklamong inihain ng PDEA.

 

Kasama rin sa co-respondents sina Dong An Dong, Julie Hao Gamboa, Fe Tamayosa, Alvin Bautista, Jane Abello Castillo, Carlo Dale  Zueta, Abraham G. Torrecampo, Arwin P. Caparros, Leonardo S. Sucaldito, gayundin sina Mark Leo D. Magpayo, Brian Pabilona, Meldy Sayson, Rhea Tolosa, Edgardo Dominado, Jerry Siguenza, at Debbie Joy Aceron.


 

Sabit din sa kaso ang mga opisyal ng Wealth Lotus Empire Corporation at Fortuneyield Cargo Services bilang mga consignee ng importation ng nasabing illegal drugs .

 

Reklamong Importation of Dangerous Drugs, in relation to Section 31 (Additional Penalty if Offender is an Alien) sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng PDEA laban sa grupo ni alyas Jacky Co.

Facebook Comments