Ama na nanggahasa sa kanyang anak-arestado

71

General Santos City—Kalaboso ang isang ama na nahaharap sa kasong 4 counts of rape sa isinagawang Man hunt Charlie ng Alabel Municipal Police Station kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Alias Danilo, residenti ng Barangay Fatima Gensan. naaresto ang suspek matapos na nakatanggap ng report ang Alabel PNP na dito sa lunsod ng Gensan ito nagtatago matapos itong sinampahan ng kaso ng kanyng sariling anak dahil sa paulit-ulit na panggagahasa nito sa kanya.

Napag-alaman na huli na ng magsumbong sa kanilang mga kaanak ang biktima dahil narin sa subrang takot sa kanyang ama matapos itong binalaan na may mangyayaring masama sa kanya at sa kanyang mga kapatid kung itoy magsusumbong.

Sa ngayon ay nakakulong na ang nasabing suspek sa silda ng Alabel PNP at commitment order nalang galing sa korte ang hinihintay para mailipat na sa Sarangani Provincial Jail ang nasabing suspek.

Facebook Comments