Security guard sugatan matapos natamaan ng ligaw na bala

85

General Santos City—SUGATAN ang isang security guard matapos itong natamaan ng ligaw na bala habang ito ay naglalakad sa Prk. Felomina, Barangay Fatima, Gensan.

Kinilala ang biktima na si Welfredo Albarasin, 48, residenti ng Prk. Bayanihan, Barangay Calumpang.

Alas 3:00 ng madaling araw kanina, habang naglalakad ang biktima papunta sana sa trabaho nito nang bigla itong nakarinig ng isang putok ng baril.

Matapos ng ilang Segundo, nakarandam ito ng pamamanhid sa kanyang binti, nagulat ang biktima ng kanyang makita na duguan ang kanyang paa kaya agad itong nanghingi ng tulong sa mga residenti na malapit sa lugar.

Agad naman itong dinala ng Dr. Jorge Royeca Hospital matapos ng insidenti. Sa ngayon patuloy pang inaalam ng pulisya kung sino ang nagpaputok ng baril sa nasabing lugar na tumama sa binti ng biktima.

Facebook Comments