Ama, Nagbantang Papatayin ang Asawa’t Anak Gamit ang Itak!

Kasibu, Nueva Vizcaya – Pinagbantaan ng isang padre de pamilya ang asawa at
mga anak na papatayin kahapon ng madaling araw, March 18,2018.

Sa ibinahaging impormasyon ng Police Regional Office 2 sa RMN Cauayan,
nabatid na ang ama ay si Virgillio Ambatale Buen Jr., 39 anyos, isang
magsasaka at residente ng Barangay Kongkong, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ipinarating na reklamo ng misis na si Corazon Fidel Buen, nagkaroon
sila ng matinding di pagkakaunawaan ng asawa hanggang sa kumuha umano ng
itak si Virgillo, nagbanta, itinutok at aktong tatagain na sila ng kanyang
mga anak kung saan tumakbo sila agad at nagtungo sa barangay kapitan na si
Diosdado D. Reginalde.


Agad na nagreport ang asawa at mga anak kasama ang kapitan sa himpilan ng
pulisya at umaksyon naman ang Kasibu PNP.

Naaresto si Virgillio at dinala sa Kasibu Police Station para sa
karagdagang dokumentasyon at disposisyon at mahaharap sa kasong paglabag sa
RA 9262.

Facebook Comments