NANINDIGAN | Kampo ni CJ Sereno, iginiit na naging bias ang impeachment process ng House Committee on Justice sa punong mahistrado

Manila, Philippines – Naninindigan ang kampo ni Supreme Court Chief Justice
Maria Lourdes Sereno na naging bias ang Kamara sa proseso ng impeachment
hearing.

Ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Josa Deinla, hindi nabigyan si
Sereno ng pagkakataon na magbigay ng panig nito.

Dahil dito, naniniwala si Deinla na malayo sa level ng impeachable offense
ang nilalaman ng articles of impeachment.


Hindi naman na nagulat ang kampo ni Sereno sa ginawang pag-apruba sa
committee report kaakibat ang articles of impeachment laban sa Chief
Justice.

Sinabi ni Deinla na hindi na sila nabigla sa ginawa kanina ng komite dahil
matagal na nila itong inaasahan.

Dahil dito, patuloy umano ang paghahanda ni Sereno para sa depensa nito pag
naiakyat na sa Senado ang impeachment case laban sa kaniya.

Facebook Comments