Ama nagpatiwakal sa bayan ng Antipas North Cotabato

Isang 30-anyos na ama ang nagpakamatay sa harap mismo ng kanyang dalawang anak, sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang lubid sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Lukiki, Brgy., Malatab, sa bayan ng Antipas, sa North Cotabato.
Kinilala ang nagpakamatay na si Gibson Duran residente ng nasabing lugar.
Inabutan ng mga otoridad na nakakalumbitin ang biktima gamit ang lubid na itinali sa kisame ng kanilang bahay.
Nakipag inuman pa ang biktima sa kanyang dalawang mga kaibigan sa loob ng bahay. Naikuwento pa ng biktimang si Duran ang tungkol sa nararamdaman niyang kalungkutan dahil sa pangungulila sa kanyang asawang nasa abroad. Sa pag uwi ng kanyang mga kaibigan ay dito na isinagawa ni Duran ang pagpapatiwakal na nasaksihan mismo ng kanyang dalawang anak. Naisugod pa ito sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments