LABOR DAY CELEBRATION | Mahabang pila ng mga pasahero ng MRT-3, naranasan ngayong umaga

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT) management na humaba ang pila sa ilang train stations kaninang peak hours.

Na-monitor sa northbound ng North Avenue Stations ang nasa 180 na nakapilang pasahero habang 390 sa Quezon Avenue Station.

Ayon kay Ally Narvaez, MRT-3 Spokesperson, ang malaking volume ng pasahero ay bunga ng nagsisibalikan na sa trabaho ngayong araw matapos ang long weekend kaugnay ng Labor Day celebration.


Sa Kasalukuyan, labinlimang tren ang napapakinabangan ng mga sumasakay ng tren at anim na minuto ang pag aantay sa pagdating ng kasunod na tren.

Wala rin naitatalang unloading o service interruption ngayong umaga.

Mula nang maiakyat ang 15 na tren ang naging operational, mula sa dating 250,000 na pasahero tuwing peak days, nadagdagan agad ito ng halos 100,000.

Facebook Comments