Ayon sa isang instagram post ng Cebu-based florist na humahawak ng @floraltouchbychaty noong June 2 ay pumanaw na ang ama ni Ellen Adarna na si Ginoong Alan Modesto Adarna.
Ayon sa source, nakahimlay ang labi ng ama nito sa Cosmopolitan Memorial Chapels, Inc. sa Mandaue, Cebu. Pumanaw ang ama ni Elen sa edad na 58 years old kung saan nagcelebrate pa nga raw ito ng kaarawan noong April 2.
Kilala ang Pamilya Adarna dahil sa pagmamay- ari nilang Chain of Motels na Queensland na mayroong branches sa Manila, Davao, at Cebu.
Nabalitaan din ang pagkikita ng mga magulang ni Ellen at John Lloyd na kanyang boyfriend noong nakaraang taon matapos mabalitaan ang pagbubuntis ng aktres na kumpirmadong si John Lloyd ang ama ng kanyang pinagbubuntis.
Facebook Comments