Ama ni Kian delos Santos, naghamon ng drug test kay PNP Chief Ronald dela Rosa

268

Manila, Philippines – Naghamon ng drug test ang ama ni Kian delos Santos na si Saldy matapos siyang akusahan ng PNP na sangkot sa ilegal na droga.

Itinanggi rin ni Saldy na drug courier ang kanyang napatay na anak.

Iginiit din ni Saldy – na hindi siya siga sa kanilang komunidad.


Aniya, dapat isailalim din sa drug test ang mga pulis.

Duda rin si Saldy sa iniharap na testigo ng PNP na si Renato Loveras ‘alyas Nonong’ na umano’y katransaksyon ni Kian sa droga.

Ayon naman kay National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman Rogelio Casurao – inaalam na nila kung may ginagawang pag-abuso sa kapangyarihan ang mga pulis.



Sinabi naman ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Chito Gascon – bukas ang kanilang tanggapan para tulungan ang pamilya ni Kian.

Dahil dito, nanawagan ang pamilya kay Pangulong Rodrigo Duterte na panagutin ang mga sangkot sa pagkamatay ng binatilyo.


Facebook Comments