Seguridad mas pinaigting sa pagbubukas ng klase ngayong araw sa Mindanao State University sa Marawi City

194

*Marawi City – *Mahigipit ang seguridad ang ilalaan para sa pagbubukas ng klase ngayong araw sa Mindanao State University sa Marawi City.

Ayon kay task force Ranao Deputy Head, Col. Romeo Brawner – magbibigay sila ng libreng sakay para sa mga estudyanteng magbabalik-eskwela.

Handa na rin aniya ang mga gusali sa loob ng pamantasan.


Sinabi pa ni Brawner – nauubusan na ng suplay ng pagkain ang mga teroristang nakikipagbakbakan pa rin at kumukuha na lamang ang mga ito sa mga grocery na iniwan ng mga negosyante.

Hindi pa rin basta-basta makakabalik ang mga residente sa kanilang mga bahay dahil kailangan munang siguruhing clear ang lungsod sa mga pampasabog iniwan ng Maute group.

Sa tantya ng AFP, nasa 300 gusali na lamang ang target nilang ma-rekober.



Aabot pa sa 40 hanggang 60 bihag ang hawak ng mga terorista.

Facebook Comments