Ama, patay matapos uminom ng oxalic sa General Santos City

General Santos City – Dead on arrival sa ospital ang isang ama matapos uminom ng oxalic sa Barangay Labangal, General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Leonardo Celmarom, 34-anyos, nagtatrabaho sa isang junk shop.

Sa imbestigasyon, inutusan ng biktima ang anak na bumili ng limang sachet ng oxalic sa tindahan kung saan agad niya itong inihalo sa tubig saka ininom.


Narinig na lamang ng kamag-anak na umiiyak ang anak nito kaya’t nadiskubre ang ginawang pagpapakamatay.

Wala naman nakitang foul play ang pulisya sa insidente at napag-alaman na minsan na din nawala sa katinuan ang biktima sa hindi pa mabatid na dahilan.

Facebook Comments